Tuesday, January 13, 2009

ST. BENIDICT MEDALLION (San Benito)

ANG MEDALYONG SAN BENITO
Crux Sancti Patris Benidicti
Krus ng amang San Benito
Crux Sancta Sit Mihi Lux
Ang mahal na Krus ang siya kong maging ilaw
Non draco sit Mihi Dux
Kailan may huwag kong maging patnugot ang DEMONIO
Vode Retro Satana Nunguam Suadeas Mihi VanaSunt Mala Quae Libas Ipse Venena Bibas
"Lumayo ka sa akin SATANAS huwag mo akong tuksuhin sa kapalaluan, ang inihahandog mo sa akin ay masama, ikaw rin ang uminom ng lason."
ELVS IN IDBITU NRO PRAESENTIA MVNIAMUR
+Daya ng Demonyo
+Exorcismo
+Hayop na may sakit
+Mahirap na panganganak
+Sakit, Lintik. Kidlat, Sigwa, sama ng panahon, peste, lason, apolegia, panginginig.
+Hagkan ang Medalla
+5 Gloria Patri
+3 Ave Maria
+1 Pater Noster

NOTE: For Record Purposes Only

Friday, January 9, 2009

PARA MAKITA ANG MGA ENCANTO

Kumuha ng mata ng pusa at ibabad iyon sa tubig alat (tubig sa dagat) sa loob ng tatlong araw. Pagkatapos niyon ay ibilad sa init ng araw sa loob naman ng anim na araw. Kung tuyo na iyon, ilagay o i-ukit sa gitna ng pilak na kasinglaki ng piso na parang pinaka bato (antigong pera ay pwede na) at saka isabit sa leeg. Kung magagawa ito, makakakita na kayo ng mga bagay na hindi nakikita ng inyong kapuwa.
Note: For record purposes only.

KAPANGYARIHAN SA TITIG

Pagbibigay kapangyarihan sa titig ng mga mata upang mapigil ang masamang tangka ng kapwa:
Narito ang isang mabisang paraan upang magkaroon ka ng "power" upang mawala ang masamang tangka ng kapwa. Kaya maliligtas ka sa mga kapahamakang lilikhain ng ibang tao. Maraming tao ang nagsisikap na mag-aral ng ibat-ibang palakasan tulad ng boxing, Judo, Karate at pagbaril at marami pang iba upang mapagtanggol nila ang kanilang sarili at ang mahihina sa oras ng kagipitan o pangangailangan subalit ang lahat ding ito ay nangangailangan ng tinatawag na slf-defense sa sarili. Kaya't wala ring katiyakan ang iyong kaligtasan. Alalaon baga'y magagamit mo pa kaya ang iyong nalalaman kung naunahan ka na ng iyong kalaban.

Dahil dito ay higit na mabuti ang kaunti ang nalalaman sa palakasan ay nabubuhay naman nang tahimik at ligtas sa kasamaan ng kanyang kapwa.

Ang pamamaraan:Lagyan ng itim na tinta na parang nunal at kasinlaki ng palito ng posporo ang puno ng ilong o pagitan ng mga mata. Maupo sa isang silya na nakaharap sa salamin na may kalahating metro ang layo. Gawin ito sa isang silid na tahimik at walang nakakamalay. Titigan ang nunal sa puno ng iyong ilong na walang kurap o kisap at banggitin ang pangungusap na ito:
"Ang kapangyarihan ng aking isipan at kalooban ay nalabas.Walang sinumang magtatangka sa akin ng masama at kagigiliwan ako ng sinomang tao na aking lalapitan."
Ulit-ulitin ito habang tinititigan mo ang iyong nunal sa puno ng ilong. Gawin ang pagtitig sa loob ng limang minuto (5 min.) sa unang linggo, sa ikalawa sampung minuto (10 min.) sa ika-apat ay dalawampung minuto (20 min.).

Kung magagawa mo ito ng mahusay at walang patlang sa loob ng apat na linggo ay magkakaroon ng power na mahalina ang sinomang taong iyong lalapitan at walang makakatitig sa iyo ng matagal.